Tuesday, August 5, 2008

Bakit tayo nag-aaral ng wikang Ingles? dahil ba sa imperyalismong Amerikano?

Tayong mga Pilipino bakit natin pinag-aaralan ang wikang Ingles? dahil ba bahagi ito ng pagpapailalaim natin sa imperyalismong Amerikano? o bahagi ito ng pagtatangka nating matuto sa larangan ng teknolohiya? (sapagkat wikang Ingles ang universal na wika ng teknolohiya)

Ang wikang Ingles ang universal na wika, gayundin sa larangan ng teknolohiya. Kaya upang makalangoy tayo sa dikta ng globalisayon, hindi rin naman dapat ipagwalang bahala ang pag-aaral ng wikang ito.

Ayon kay Paolo Freire sa aklat niyang "A Pedagogy for Liberation (1987), because of the political problem of power, you need to learn how to command the dominant language, in order for you to survive in the struggle to transform the society."

Kung kaya ang pagbabago ng lipunan tungo sa pag-unlad ng mamamayan ay nangangailangan ng pag-aaral ng wikang Ingles sa antas na ang bansa ay makakasabay sa daloy ng mundo nang hindi nalilimot ang sariling kultura at pagkatao.

Subalit, malinaw na dapat itanim sa isipan ng mga mag-aaral na kagaya ko, ang pag-aaral ng wikang Ingles ay bahagi ng pagtatangka nating matuto sa larangan ng teknolohiya at hindi kailan man bilang bahagi ng pagpapailalaim sa imperyalismong Amerikano.


http://iltabenla.multiply.com/journal/item/73/KASAYSAYAN_NG_WIKANG_FILIPINO_ni_Joel_Costa_Malabanan

-Maulan Tamayo
PINOY RADICAL

Thursday, May 29, 2008

Ako, ang enrollment, at ang kahirapan

Ako, ang enrollment, at ang kahirapan

Mga kababayan, may tanong ako sa inyo, nararamdaman niyo ba ang hirap ng buhay dito sa Pilipinas?


 

Naniniwala akong karamihan sa ating mga kababayan, ramdam ang hirap ng buhay. Isa na 'dun ang pamilya namin. Sa katunayan, hiniram lang ng nanay ko ang pang-enroll ko ngayung sem na 'to. Kung saan-saan siya lumalapit para makahanap ng pera. Buti nalang pinahiram siya ng ninang ng kapatid ko.


 

Naawa ako sa nanay ko. Kung saan-saan siya pumupunta para makahiram ng perang pang-enroll ko, tapos ako, minsan tinatamad akong mag-aral. Sa katunayan, may isang major subject akong bagsak last school year 1st sem. Saka may naiiwan pa akong mga minor subjects. Nakakahiya sa mga magulang ko. Ang mga grades ko kadalasan 2.75, minsan may 3.00 din, paminsan-minsan naman, 2.5, 2.00. 'Di ko pa naranasan magkaroon ng grades na 1.00 or 1.50 man lang. Tamad talaga ako mag-aral 'yun ang napansin ko sa sarili ko. Slow learner ako. Minsan kailangan pang ulitin ang tinuturo ng instructor, para maintindihan ko. Masasabi kong mahina ako sa pag-aaral simula pa nung grade school ako. At alam kong mahina ang loob ko. Ngunit ganunpaman, masasabi kong 'di ako sakit sa ulo sa mga magulang ko sapagkat 'di ako nakikipagbarkada, nagbubulakbol, at wala akong bisyo. (Oo, umiinom ako ng alak, ngunit paminsan-minsan lang).

Hanga ako sa mga taong masisipag mag-aral. Matatalino, madaling matuto at malakas ang loob.

Pero may mga kilala ako, matalino sila at 'yung iba makapangyarihan pa sa lipunan. Ngunit ang mga biyayang binigay sa kanila ginagamit nila sa mga 'di wastong gawain. inaabuso nila ito. 'Yun ang hinding hindi ko tutularan sa kanila.


 

Sunday, May 18, 2008

Panahon na naman ng tag-ulan

Mainit na naman ang panahon. Kaya naisipan kong pumunta ulit dito sa paborito kong lugar.

Madalas na ang mga bagyo kaya tapos na ang tag-init. Tag-ulan na naman. Pero sa ngayon, sumikat na ang araw.

'Di tulad nang nakaraang araw na makulimlim at maulan dahil sa bagyo. 'Di ko na masyadong dama ang init ng araw ngayon

'di tulad nung nakaraang Abril na madarama mo talaga ang tag-init. Ang sikat ng araw ngayon ay may kasama nang

malakas na hangin na humahampas sa mga puno dito sa aking paboritong luagar. Minsan natatakpan ng mga ulap ang araw.

At kapansin-pansin ang mga puno't halaman sa paligid dahil yumabong ang kanilang mga dahon.


 

Maalinsangan sa loob ng bahay naming kaya naisipan kong pumunta dito. Bukod sa sariwa ang hangin, Napaka-tahimik dito.

Mga huni ng ibon, mga tilahok ng manok at hampas ng hangin sa mga puno ang iyong maririnig. Ilang araw nalang

Pasukan na nanaman naming. Magiging maingay na nanaman ang buhay ko. At maaalala ko ang mga ganitong

Panahon na tahimik na malayo sa ingay ng lunsod.


 

Saturday, May 10, 2008

Nakikiramay ako sa mga pamilya ng dalawang OFW na namatay sa aksidente sa Saudi Arabia

Taos puso akong nakikiramay sa mga pamilya ng dalawang OFW (Overseas Filipino Workers) na namatay sa aksidente sa Saudi Arabia. Nawa'y maging matatag kayo mga kababayan.


http://www.gmanews.tv/largevideo/related/21767/Families-of-2-OFW-accident-victims-in-Saudi-seek-govt-help

Nabalitaan ko sa telebisyon nung isang gabi ang nangyaring aksidente. Naramdaman ko ang nararamdaman ng mga pamilya ng dalawang OFW.

Alam kong masakit, malungkot at mahirap 'yun para sa kanila. Ang aking ama, pinsan at aking mga tiyo ay nagtatrabaho din sa

Saudi Arabia. Malulungkot at masasaktan din ako kung may mangyayaring masama sa kanila doon. Totoong mahirap 'yon, kaibigan!

Sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito. Saludo ako sa lahat ng mga kababayan nating mga OFW na tunay na nagsisikap para sa kanilang mga

naiwang pamilya dito sa Pilipinas. Para sa akin, mga bayani kayo mga kababayan. Mabuhay kayo! Isa kayo sa mga inspirasyon ko sa buhay. Maraming salamat.


Tamayo, Rainier M.

12:16 AM

Sunday, May 11, 2008


Labels: , , ,

Masaya kaba sa buhay mo ngayon?

Kung ako tatanungin nyo hindi ako masaya. Madalas akong nag-iisa at walang makausap dito.

Lalo na ngayon bakasyon nasa bahay ako palagi. 'Yaan nyong magkwento ako sa inyo. Sa ngayon,

tatlo kaming nakatira dito sa bahay namen. Nanay ko, kapatid kong babae na bunso at ako.

Tatlo kaming magkapatid at ako ang panganay. Yung kapatid kong babae na pangalawa saken,

nag-asawa nang maaga sa edad na 18. Nakatira siya ngayon sa kanyang asawa. Yung tatay ko naman,

nagtatrabaho sa ibang bansa. Kakaalis lang nya nung Marso. Umuuwi siya kada dalawang taon.

'Pag ganitong bakasyon, madalas wala sa bahay ang nanay ko. Kasama mga kaibigan nya.

Ganun din yung bunsong kapatid ko. Kung nandito man sila sa bahay, hindi kami madalas mag-usap

sa mga bagay-bagay. Hindi ako ganon ka-close sa pamilya ko. Siguro dahil narin sa age gap namen.

Wala din akong barkada na makakausap dito. Kaya madalas talaga nag-iisa ako at walang maka-usap.

Yung mga kaibigan ko dito sa lugar namen kakaunti lamang sila. May kanya-kanya din silang mga

kaibigan kaya 'di kami lagi nagkikita o nagkakausap. Yung iba naman nasa malayong lugar.

Nag-aaral at nagtatrabaho. Yung mga kaibigan ko naman sa eskwela, medyo marami din sila.

Ngunit may kanya-kanya din silang mga kaibigan kaya madalas di kami nagkikita at nagkakasama

lalo na 'pag ganitong bakasyon.


 

Ang nagpapalungkot talaga saken 'pag naaalala ko yung unang babaing minahal ko.Apat na taon

na ang lumipas nung iniwan niya ako pero hanggang ngayon siya parin ang nasa puso't isip ko.

Siguro dahil hindi ako masaya sa buhay ko ngayon kaya 'di ko siya makalimutan.


 

Sa ngayon, gusto ko malaman at mahanap kung ano talaga ang magpapasaya saken (Pursuit of happiness)

at kung bakit talaga ako nabubuhay dito sa mundo. Nawa'y darating ang araw malaman at mahanap ko ang mga ito.

Sa tingin ko ang awiting ito ang nababagay para wakasan ang aking kwento. Eto...


 

Crying Like A Church On Monday - New Radicals (Gregg Alexander)


 

http://www.youtube.com/watch?v=OCIkPLlvx-E


 

I was dancing

With your shadow

Slow down memories hall

I said, 'Wait. Have I been seduced and forgotten?'

You said, 'Baby, haven't we all!'

Now I don't like crying

Because it only gets me wet

But I can't help failing

To remember to forget you

And I know it's gonna be a long time


 

Now I'm crying like a church on Monday

Praying for these feelings to go away

So do me a favor baby

Put down your new god

and love me like Sunday again


 

I was hiding in your bedroom

when I saw him come inside

I can't live in his shadow

Is that where I'm dancing until I die

Now I don't light candles

because they make me see the light

That I can't help failing

To remember to forget you

And I know it's gonna be a long time


 

Now I'm crying like a church on Monday

praying for these feelings to go away

So do me a favor baby

Put down your new god

And love me like Sunday again


 

(Now I'm crying like a church on Monday

praying for these feelings to go away

So do me a favor baby

Put down your new god

And love me like Sunday again.)


 

Saturday April 19, 2008 10:52 pm

Tamayo, Rainier M.